Matatag na Pagharap ni Jane Oineza sa mga Pagsubok sa Buhay Pag-ibig at Karera

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na in-love ngayon ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Jane Oineza. Mula noong bago matapos ang taong 2017, naging open na rin siya tungkol sa relasyon niya sa naging kasamahan sa bahay ni Kuya na si Kyle Secades. Sa katunayan, nang kapanayamin ang aktres para sa isang online article, inamin niyang may dalawang taon na silang mag-on.

Sabi niya sa naturang interview, “Mahirap kasi, dahil iyung iba hindi naman considered bilang hindi pa official na mag-boyfriend-girlfried.” Kita sa ningning ng kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya bilang girlfriend ni Kyle. Ayon kay Jane Oineza, napaka-supportive dawn i Kyle sa kaniya lalo na’t ngayon ang panahon ng pag-angat ng kaniyang karera.

Ngunit kahit pa very open siya tungkol sa kaniyang lovelive. Mas gusto pa rin ng dalaga na siya ay mas makilala siya sa kaniyan showbiz career hindi lamang sa kaniyang makulay na lovelife. Sa matagal na panahon, ibinahagi ng dating child star na palaging ang kaniyang loveline ang napapag-usapan. Kaya naman ngayon, mas gusto niyang hindi umiikot ang usapan sa kaniyang buhay pag-ibig.

Artista mula pa sa pagkabata

Una nating nakilala si Jane Oineza bilang bahagi ng pinakasikat na children’s program sa bansa, ang Going Bulilit. Isa rin siya sa mga cast ng kids action movie, Kung Fu Kids. Bahagi rin si Jane Oineza ng Star Magic, isang subsidiary ng Kapamilya network. Pangunahing layunin ng Star Magic na tulungan ang mga aspiring artists na mahasa ang kanilang talento sa pag-arte bago pa man sila isabak sa mga pelikula ng Star Cinema o ABS-CBN programs.

Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Jane Oineza sa mundo ng showbiz. Bukod sa Kung Fu Kids at Going Bulilit, siya ay lumabas din sa mga TV commercials. Bilang child star, una nyang naipamalas ang talento sa pag-arte sa prime-time drama na, Sa Dulo ng Walang Hanggan. Ito ay nasundan pa ng ibang teleserye at pelikula, tulad ng Sanay’ wala ng wakas at Marina; kung saan si Jane Oineza ay gumanap bilang batang karakter ng mga babaeng bida

Ngunit mas nakilala at minahal ang dalaga sa kaniyang pagiging bahagi ng tanyang na reality program, Pinoy Big Brother. Ang kaniyang angking talent sa pag-awit ag pag-arte marahil ang naging susing nakapagpapasok kay Jane Oineza sa loob ng bahay ni Kuya.

Nang dahil sa kaniyang kakayahang umarte, kumanta at rumampa bilang modelo, tumanggap ng iba’t-ibang parangal ang dating housemate. Ilan sa mga awards na ito ay ang isang sertipiko sa pagiging World’s Best Actress at nominasiyon sa International Emmy para sa pelikulang Manika noong 2012.

Pag-aaral na hindi ordinaryo

Nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito na si Jane Oineza ay artista na mula pa ng kaniyang pagkabata. Ang ibig sabihin nito, naging irregular na ang kaniyang schedule araw-araw. Maging ang pagpasok sa iskwelahan ay naging isang malaking pagsubok sa kaniya. Hindi man naging posible ang pagpasok araw-araw sa regular na paaralan, hindi ito naging hadlang kay Jane Oineza para ituloy ang kaniyang pag-aaral.

Hindi ni minsan naisip ng PBB 3rd Placer na isakripisyo ang kaniyang edukasyon sa kaniyang karera. Sa katunayan, habang ginagawa niya ang pelikulang Bloody Crayons, sinisigurado niyang nakakasunod pa rin siya sa lahat ng pinag-aaralan sa pamamagitan ng homeschooling. Sabi ni Jane Oineza, mas pinili niya ang homeschool, “para at least, ma-manage ko ang sarili kong time para kung halimbawa, may trabaho ako ngayong araw, puwede akong bumawi bukas.” Para sa kaniya, mas nakabuti ito kaysa sa huminto sa pag-aaral.

Siya ay determinadong makatapos ng pag-aaral kaya naman lahat ay gagawin ni Jane Oineza para matupad ito. Ibinahagi niyang gusto niyang makapasok sa isang university balang araw. Dagdag pa niya, nais niyang magsulat, maging isang director, at kumuha ng kursong may kinalaman sa business. Isa rin ang engineering sa kursong gustong kunin ng Kapamilya star. Para kay Jane Oineza, hindi siya inilalayo ng homeschooling sa oportunidad na makaranas ng regular na pag-aaral.

Dagdag pa niya, “sabi nila, kapag home-based ang pag-aaral, parang nakahiwalay ka sa mundo. Pero para sa akin, hindi naman talaga.” Masayang ibinahagi ng dalaga na pagdating sa social aspects, sinigsigurado niyang hindi siya nakakaliban lalo na’t kabilang siya sa Goin’ Bulilit. Marami siyang kaibigan siya sa loob at labas ng showbiz, at maging sa mga kamag-anak niya ay marami rin siyang mga nakakahalobilo. Ito, aniya ay sapat na para mapatunayan niya sa sarili at sa iba na siya ay para rin lang isang normal na taong may koneksyon sa mundo.

Mailap na big break

Si Jane Oineza ang itinanghal na 3rd placer ng batch niya sa PBB kung saan, si Daniel Matsunaga ang hinirang na Big Winner. Kahit na pangato lamang siya, marami ang umasang siya ang mananalo dahil matatag niyang hinarap ang lahat ng mga pagsubok na ipinagawa ni Kuya sa mga housemates. Isa pang hinangaan sa dalaga ay ang pagiging totoo at transparent niya.

Ngunit naging kahanga-hanga man ang ipinakitang ugali ni Jane Oineza, tila naging mailap pa ang pagdatingng big break sa kaniya. Marahil ang pagiging prangka niya na madalas kinaiinisan ng ilang tao sa kaniya ang naging isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya magka-proyekto ng malaki. Si Jane Oineza ay diretso kung magsalita. Ito marahil ang rason kung bakit marami ang nai-intimidate sa kaniya.

Matapos ang kaniyang panghapong teleserye kung saan nakapareha niya si Joshua Garcia, naging malamlam umano ang career ni Jane Oineza. Ayon sa mga kritiko, sa panahon ngayon, fan-based ang nagiging basehan ng kasikatan ng isang artista, maging ng kainitan ng kaniyang karera. Kaya naman nang matapos na ang tambalan nila ni Joshua, tila natapos na rin ang suporta ng mga taong humaga sa tambalan ng dalawa.

Dahil may iba nang on-screen partner si Joshua ngayon sa katauhan ni Julia Barretto, naging solo artist na lamang si Jane Oineza. Ngunit hindi ito naging hadlang para sa dalaga para ipag-patuloy ang kaniyang career. Matapang niyang hinarap ang mga pagsubok s apag-aartista kahit walang kapareha. Imbes na malungkot o matakot na bumagsak ang kaniyang karera sa kawalan ng ka-loveteam, tinuring niya itong isang malaking advantage.

Sabi niya, nang siya ay tanungin tungkol dito,”hindi ko na kailangan pang dumepende sa ka-love team. Puwede na rin ako i-pareha sa iba’t-ibang leading man, teleserye man iyan o pelikula.” Halimbawa nito ay ang kaniyang kahanga-hangang pagganap sa Maalaala Mo Kaya (MMK) kung saan sobrang pinuri ni Angel Locsin ang kaniyang galing sa pag-arte. Aminado ang dalaga na noong una, siya ay talagang kinabahan lalo na’t si Angel ang makakasama niya. Ngunit ang kaba ay napalitan na ng paghanga lalo na’t napakabait ng batikang aktres sa kaniya. Talaga raw napakabait ni Angel at napaka-supportive sa kaniya sa mga eksena.

Ang pagiging mailap ng big break ay hindi naman nagtaga. Sandali lang na panahon mula nang siya ay lumabas sa bahay ni Kuya, ay nagkaroon na ng blessing si Jane Oineza, isang bagong teleserye, ang Nasaan Ka Nang Kailangan. Kasama niya sa proyektong ito ang ilan pang magagaling na aktor at aktres tulad nina Vina Morales, Denise Laurel, Christian Vasquez at Jerome Ponce.

Mas seryosong roles ngayong 2018

Nagpaalam na nga si Jane Oineza sa pagiging child star. Tila hindi na rin siya nababagay sa teenybopper role. Ngayong taon, nais nang sumabak ni Jane Oineza sa mas seriyosong roles. Nais niyang subukan ang mas maaksiyong mga proyekto. Sabik niyang ibinahagina gusto niyang gumawa ng mga eksanang maaksyon o may bakbakan.

Dahil sa kaniyang training sa pagpapatawa sa Going Bulilit, wine-welcome din ni Jane Oineza ang idea ng komedya para sa proyekto.Ngayong siya ay 21 anyos na, maraming plano at gusto pang gawin ang actress para sa kaniyang karera. Tintuturing ni Jane Oineza na blessed ang taong nagdaan sa kaniya. At naniniwala rin siyang itong taon na ito ay magdadala pa ng mas marami pang blessing sa kaniya.

Mas seryoso si Jane Oineza sa kaniyang karera ngayon lalo na’t siya ang tumatayong magulang sa kaniyang mga kapatid. Kamakailan lang, napabalitang nag-desisyon ang ina ni Jane Oineza na mangibang-bansa para magtrabaho. Aniya, “Matagal niya nang gustong magtrabaho abroad. Ako lang ang may sabing ayaw ko.” Isa si Jane Oineza sa mga bida ng Metro Manila Film Festival entry, ang horror movie na Hunted Forrest noong 2017.

Bukod sa naturang proyekto, nauna nang gumawa ng mga nakakatakot na pelikula si Jane Oineza noong mga nakaraang taon. Dahil dito, nabansagan na siyang Princess of Horror Movies. Bahagi ng paghahanda ni Jane Oineza sa mga mas seryoso pag proyekto ang pagpapanatili ng magandang katawan. Inamin ng aktres na noong siya ay medyo bata-bata pa, insecure siya dahl mataba siya.

Ito rin marahil aniya, ang dahilan kung bakit hindi siya nabibigyan ng proyekto sa kaniyang mother studio, ang ABS-CBN. Para matupad ang kaniyag kagustuhang makatanggap ng mas magaganda pang roles, pinressure niya ang sariling magpapayat.

jane oineza

Buhay Pag-ibig

Hindi man nais ni Jane Oineza na siya ay makilala dahil sa kaniyang buhay pag-ibig, hindi ito maiiwasang hindi pag-usapan. Laman ng maraming websites ang tungkol sa kanila ni Kyle. Minsan ding napag-usapan ang naging kaugnayan ng aktres sa basketbolistang si Jeron Teng. Di man lantarang inamin ang kanilang relasyon, naging bukas naman sina Jane Oineza at Jeron sa kanilang tarawan sa isa’t isa na ‘special friend.’

Hindi nagtagal at bagama’t hindi, umamin sa kanilang relasyon, nagpahayag si Jane Oineza ng hiwalayan nila ni Jeron. Sabi niya nang siya ay tanunginsa isang TV show, “May mga bagay lang talaga na hindi mo ine-expect na mawawala pero nawawala.” Napabalita ring, ang De La Salle University basketball player ang nakipag-break sa Kapamilya star. Dagdag pa niya, kung hindi uukol, siguro raw ay talagang hindi nga mangyayari.

Matapos ang ugnayan niya kay Jeron, may mga kasamahan pa si Jane Oineza sa showbiz na sinubukan siyang ligawan. Ngunit pagkatapos ng heartache na iyon, minabuti ng dating Going Bulilit mainstay na mag-focus sa karera. Naging matagumpay naman si Jane Oineza sa pagfo-focus na ito lalo na’t nagsusunod-sunod ang mga appearances niya sa ABS-CBN programs gaya ng Maalaala Mo Kaya, Magandang Buhay, Ipaglaban Mo at FPJ’s Ang Probinsiyano.

Tila naka-move on na sa nakaraang heartbreak si Jane Oineza. Katulad ng nabanggit, umamin na kamakailan ang dalaga sa relasyon nila ni Kyle. Nang siya ay tanungin sa Magandang buhay tungkol sa relationship status nila ng fellow PBB housemate, hindi na naitago ng young actress ang kaniyang kilig. Dito, inamin niyang si Kyle ang kaniyang inspirasyon. Dagdag pa niya, “Kasama siya pati ng aking

Tunay ngang masaya ang dating child star sa kaniyang love life ngayon. Mas pinatunayan pa ni Kyle ang kaniyang suporta nang sorpresahin nito ang dalaga sa isang taped message na napakinggan sa naturang show. Aniya, “Gusto kong malaman mong proud ako sa’yo sahil nakita ko ang dedication mo para matapos ang isang project nang maayos at maganda.”

Sa edad na 21, inamin ni Jane Oineza na mas seryoso na ang relasyon nila ni Kyle, kumpara sa past relationship niya. Ang pinaka-nagustuhan niya sa binata ay ang pribilehiyong ibinigay nito sa kaniya para maging totoo sa sarili. Proud na inbinahagi ni Jane Oineza na kay Kyle, hindi niya kailangang magpanggap para lang siya ay matanggap o ma-appreciate kung sino at ano siya.

Kaugnay ng pagseseryoso,sinabi ni Jane Oineza na naniniwala siyang hindi papasok ang isang tao sa isang relasyon “kung hindi mo naman naiisip na dun kayo pupunta.” Dagdag pa niya, “Kasi, nagsasayang lang din kayo ng oras.” Ngunit bagama’t seryoso, inamin ni Jane Oineza na hindi pa siya handang magpakasal. Aniya, wala pa naman sa ganoong lebel ang kanilang relasyon.

Tuluyan ngang napatunayan ni Jane Oineza ang kaniyang sarili sa industriya ng show business. Ilang beses din siyang nabigyan ng parangal mula sa mga prestihiyosong award-giving bodies kabilang na ang Best Single Performance by an Actress sa 27th PMPC Awards for Television. Ngunit hindi naging madali para kay Jane Oineza para makamit ang ganitong mga parangal at pagtanggap mula sa mga tao.

Dumaan din siya sa maraming pagsubok. Siya ay una nang kinatuwaan bilang isang child star. Naging isa rin siya sa mga paboritong housemates sa loob ng bahay ni Kuya. Maging sa buhay pag-ibig, nagkaroon din siya ng maraming tagahanga at manliligaw. Ngunit ang lahat nang ito ay may katumbas na pagbabanta ng pagbagsak at kabiguan. Ang mahalaga ay nanatili siyang matatag at nakatayo. Sa katunayan, kagaya ng nabanggit sa mga naunang talata ng artikulong ito, lubos na hinangaan si Jane Oineza sa katatagang ipinamalas niya sa ano mang pagsubok na ipagawa sa kaniya ni Big Brother.