Gabby Concepcion: Heartthrob Mula Noon Hanggang Ngayon

Nakilala natin siya bilang kinakikilagang heartthrob noong dekada 80. Si Gabby Concepcion na nga marahil, ang pinaka-guwapong artista sa kaniyang henerasyon, not to mention, pinakasikat. Sa kasalukuyan, nagka-edad man, napanatili ng aktor ang kaniyang youthful and handsome look. Tinatangkilik pa rin ng maraming Pilipino ang kaniyang mga proyekto.

Kamakailan, pinagbidahan ni Gabby ang katatapos lang na teleserye sa hapon, ang Ika-6 na Utos ng GMA-7. Ito ay pinatambalan nila ng aktres na si Sunshine Dizon, kasama si Ryzza Cenon bilang isang kontrabida. Hindi maikakailang mainit ang pagtanggap sa serye kaya ito tumagal ng halos dalawang taon. Hindi rin maitatangging marami pa rin ang naniniwala sa kakayahan ni Gabby bilang isang aktor. At lalong hindi pa rin maikakailang kinikilig pa rin ang nakararami sa aktor.

Maging ang kaniyang reunion commercial ng isang fastfood chain kasama ang dating asawa at Megastar na si Sharon Cuneta ay kinakiligan ng mga manonood. Sa katunayan, nag-trending pa ito sa social media. Ang pagsasamang muli ng dalawa sa isang TV ad ay nagbigay ng pag-asa sa maraming tagahanga na sila ay magkakatambal muli sa isang pelikula.

Bakit nga ba hanggang ngayon ay itinuturing pa ring heartthrob si Gabby Conception? Balikan natin ang kaniyang pinagmulan at naging buhay sa ibang bansa. Kilalanin din natin siyang muli bilang isang ama at magaling na aktor. Siguradong pagkatapos nito, mapapatunayan nating siya nga ay isang heartthrob mula noon hanggan ngayon.

Ang kaniyang pinagmulan

1980s nang mag-umpisang magpakilig si Gabby bilang commercial model at teen actor. Siya ay mas kinakiligan noong noong siya ay gumawa ng maraming pelikula kasama ang Megastar na noo’y sikat na sikat ding teen star sa nasabing henerasyon. Di naglaon, ang pagiging mag-love team nina Gabby at Sharon ay nauwi sa totohanan. Sila ay naging magkasintahan, ikinasal at nagkaroon ng isang anak—ang singer-actress na si KC Concepcion.

Hindi nagtagal ang relasyon ni Gabby Conception sa Megastar bilang asawa. Matapos ang iilang taon, sila ay naghiwalay. Nagkaroon din ng ugnayan at relasyon si ang aktor sa iba’t-ibang personalidad sa loob at labas ng showbiz. Kabilang na rito si Janice de Belen ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Bunga ng ilan sa mga relasyong ito ang pagkaroon niyang muli ng anak na sina Cloie Helena (kay Jenny Sequia),Ma. Gabriella (kay Grace Ibuna), at dalawa pang anak sa kasalukuyan niyang kapareha at asawang si Genevieve Gonzales. Matapos ang ilang ugnayan at relasyon sa ilang mga showbiz at non-showbiz personalities at intriga sa Manila Film Festival na kinasangkutan, pinili ni Gabby Conception na mamuhay na lamang ng tahimik sa Amerika.

Si Gabby, sa Amerika

Noong 1995, nilisan ni Gabby ang Pilipinas upang mamuhay sa Amerika. Ito ay kasunod ng pagkakasangkot niya sa isang kontrobersiya sa Manila Film Festival. Malayo sa startdomg, si Gabby Conception ay namuhay bilang isang real estate broker sa California. Kung sa Pilipinas, humakot ng acting awards ang Kapuso star, hinirang naman siya bilang bahagi ng Top 10 brokers sa kaniyang napiling karera abroad.

Hindi naging madali ang buhay ng aktor sa Amerika. Ayon sa isang artikulo, ‘from scratch’ kung ilarawan ang pagsisimulang muli ni Gabby. Siya ay bumalik sa pag-aaral, at nakapagtapos sa Lincoln University sa San Francisco. Kasunod nito, siya ay nakapagtrabaho bilang isang purchasing agent.

Hindi nagtagal, ibinahagi ni Gabby Conception na siya ay bumalik sa pag-aaral. Pinag-aralan niya ang real estate ng isang taon para maging lisensiyadong realtor sa bansa. Inamin niya sa isang panayam na kinailangan niyang gawin ang lahat para mabuhay sa Amerika. Aniya, “You have to do something to stay alive.” Dagdag pa niya, siya ay namuhay bilang ordinaryo at simpleng mamamayan sa U.S. kung saan walang impluwensiya ng showbiz.

Normal at simple. Ganito inilarawan ni Gabby Conception ang naging buhay niya sa labas ng Pilipinas sa loob ng 13 taon. At dahil regular ang work schedule niya bilang isang real estate broker, maraming oras ang aktor para gawin ang mga bagay na nai-enjoy niya sa pribadong buhay. Kabilang na rito ang pagbabasa niya ng libro. Sa isa sa mga panayam sa kaniya, masayang ibinahagi ni Gabby Conception na nag-e-enjoy siyang magbasa ng mga librong National Geographics at Science books.

Isang bagay na nagustuhan ni Gabby Conception sa kaniyang pamamalagi sa Amerika ay, mas marami siyang panahon para gawin ang mga bagy na gustong-gusto niya. Sa kaniyang pribadong buhay dito, mas na-enjoy niya ang pagkain ng mga paborito niyang pagkaing Pinoy. Inamin niyang kinakain niya ang halos kahit anong pagkain. Subalit aniya, ang kaniyang pinakapaborito ay munggo o kahit anong gulay. Mahilig din ang aktor sa isda.

Isa pang gustong-gustong gawin ng aktor ang pakiking ng mga lumang tutugtugin na inamin niyang pangarap niyang i-revive balang araw. Kabilang sa mga ito ang mga awiting gawa at pinasikat nina Dean Martin at Frank Sinatra. “I like the songs mellow eh,” pahayag pa niya.

gabby concepcion

Ang kaniyang pagbabalik-showbiz

Taong 2018 nang magdesisyong balikan ni Gabby Conception ang kaniyang showbiz career. Dito napatunayan ng aktor na siya ay mahal pa rin ng kaniyang mga tagahanga. Sa panayam sa kaniya ng noo’y sikat na talkshow program, inamin ni Gabby Conception na kabado siya sa kaniyang pagbabalik-showbiz. Aniya, “Bago ako bumaba ng eroplano, kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano ba ang aasahan ko.”

Bagama’t kinakabahan, excited din ang aktor dahil sa mahigit isang dekada, muli na naman niyang babalikan ang bansa. Binalikan din niya ang panahong nag-alinlangan siya sa pagbabalik sa bansa dahil sa sakit na dulot ng kaniyang pag-alis. Sa katunayan, inamin ng award-winning actor na halos kalimutan na niya ang Pilipinas sa sama ng loob na dinanas niya bago siya umalis. Dagdag pa niya, hindi niya ni minsan naisip na noon na uuwi pa siya ng bansa.

Ang kaniyang amang si Rollie Concepcion na noo’y may sakit sa puso ang naging isa sa pangunahing dahilan ni Gabby Conception ng pag-uwi niyang muli sa Pilipinas. Paliwanag niya, hindi niya puwedeng pabayaan ang ama habang siya ay nasa Amerika. Dagdag pa niya, hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa pinakamamahal na ama.

Ang producer ng FLT Films na si Rose Flaminiano ang tumulong mag-ayos ng mga papel kay Gabby Conception para makauwi pabalik ng Pilipinas. Si Flaminiano rin ang tumayong manager ng aktor noong siya ay unang bumalik sa show business. Bag pa man siya naging Kapuso star, una nang pumirma ng kontrata bilang Kapamilya aktor si Gabby Conception.

Ilan sa mga unang proyektong pinagbidahan niya ang Dahil May Isang Ikaw at IIsa Pa Lamang. Matapos siyang gumanap ng iba’t-ibang roles sa ilang Kapamilya shows, nag-decisyon si Gabby Conception na lumipat sa GMA-7. Ito, aniya ay masasabi niyang, “good decision.” Maganda kaagad ang break na ibinagay sa kaniya ng bago niyang Mother Studio. Bago pa man ipinalabas ang successful-until-the-end na Ika-6 Na Utos, nauna nang bumida sa Gabby Conception bilang si Jaime Salcedo sa Because of You kung saan, nakapareha niya ang young Kapuso star na si Carla Abellana.

Ngunit mas tumatak sa maraming Pilipino ang pagganap niya bilang Jerome o Rome Fuentebella sa katatapos lang na Ika-6 Na Utos. Dahil sa programang ito, nakapag-uwi si Gabby Conception ng prestiyosong award kung saan siya ay ginarawan ng Asian Star Prize sa 2017 Seoul International Awads na ginanap sa Seoul, South Korea.

Ang nag-trending na balik-tambalan nila ni Shawie

Muling umingay ang showbiz industry nitong nakaraan Valentine’s season nang ipalabas ng isang fastfood chain ang TVC nito featuring Gabby and Sharon. Ang balik-tambalang ito ng dalawa ay talagang muli na namang nagpakilig. Ang resulta? Ito ay umani ng halos 10 million views sa social media ilang araw pa lamang mula nang i-launch ang commercial online and on TV!

Halos isa’t-kalahating minute ang itinagal ng commercial ngunit sa sandaling oras na ito, napakaraming sumaya. Marami rin ang nabigyang muli ng pag-asang magkakabalikan sina Gabby at Shawie, kahit sa screen man lang. Wala mang kahit anong importmasyon tungkol dito, in-enjoy na lamang ng mga tagahanga ang pagkakataon tuwing ipinapalabas ang TVC ng dalawa.

Nauna nang ipinihayag ng Megastar ang kaniyang pagkailang bago pa man umpisahan ang kanilang shooting. Sa panayam sa kaniya ni Korina Sanchez para sa Rated K, inamin ng ina ni KC na nung una ay nag-aalangan siyang gawin ang proyekto kasama si Gabby Conception. Sabi niya, “Ayoko sanang gawin dahil hindi kami in good terms.” Dagdag pa niya, na hindi sila nag-uusap noong panahong iyo kaya’t nag-dalawang isap siya kahit pa alam niyang magiging malaki ang excitement na idudulot nito.

Undeniably charming nga naman si Gabby Conception. Naibsan ang pagkailang ng dating asawa nang sinalubong niya ito sa taping ng matamis na ngiti at may kasamang isang basket ng prutas. Lalo pang nawala ang pagkailang nila sa isa’t-isa nang mag-umpisa nang rumolyo ang kamera para sa shooting ng kanilang TVC.

Kasunod ng pagkailang sa isa’t-isa, naging mas masaya na ang mga sumunod na eksena sa behind-the-scenes ng TVC shoot nina Gabby at Sharon. Masaya nang nagkukuwentuhan ang dalawa in-between scenes lalo na’t ang si KC ang pinag-uusapan. Nabanggit din sa isa sa mga panayam ng dalawa na excited ding ikinuwento ni Sharon si Miguel at iba pa niyang anak sa dating asawa. Masaya rin namang ibinahagi ni Gabby Conception sa Megastar ang kaniyang hilig sa dagat na siya namang namana rin ng anak.

Isa pang rebelasyon ng dating mag-asawa ang pagiging clueless ni KC sa naturang reunion project nila. Sabi pa ni Sharon sa isang online article, “Kasi it was so confidential and we really did not want to tell anybody.” Pambubuko pa ni Shawie tungkol sa anak, madalas daw nae-excite si KC. Minsan, may mga lihim daw na nasasabi niya o nadudulas sa kaniyang mga pinakamalalapit na kaibigan.

Masaya ring binalikan ni Sharon ang mga araw ng shooting nila ng TVC kung kalian inimbitahan pa ni KC ang ama para sa isang dinner. Lingid sa kaalaman ni KC na magkasama ang kaniyang ama at ina. Ayon sa nasabing artikulo, sinagot lamang ng aktor ang anak ng, “I’m working anak, eh.” At sa halip, pinasusunod na lamang ito sa Bulacan kung saan ang kanilang shooting.

Nang mapanood ng anak ang sinikretong proyekto nina Gabby at Sharon, ikinuwento ni Shawie na masayang-masaya si KC. Ang reunion project na ito ay kauna-unahang proyekto ni Gabby Conception kasama ang ex-wife mula noong 1992 reunion movie nilang, Tayong Dalawa.

Epekto ng reunion project

Sari-sari ang naging reaksiyon sa comment ni KC sa Instagram post ng ama matapos maipalabas ang Sharon-Gabby TVC. Ang post ni Gabby Conception ay isang larawang magkasama sila ni Sharon. Sa naturang post na ito, nag-comment ang dalaga ng:”Don’t ever leave again.”

Masayang nagpasalamat si Gabby Conception sa mga tao matapos itong maging viral online. Sa pamamagitan ng isang panayam, sinabi ni Gabby Conception, “Life is so good and people are good.” Dagdag pa niya, lahat ay tumulong at naging supportive sa reunion project nila ni Shawie. Higit sa lahat, pinuri ng batikang aktor ang Diyos sa biyayang dulot ng proyektong ito.Paliwanag niya, wala siyang karapatang magreklamo lalo na sa lahat ng mga bagay na dapat niyang ipagpasalamat.

Nagign emosyonal ang mga nakapanuod ng TV ad lalo na’t ang menahe nito ay muling pagkikita ng dating nagmamahalan. Maging ang Kapuso star na ito ay nakaramdam ng pagiging emosyonal pagkanood nito. “Pinanood ko nang paulit-ulit, hindi rin ako makapaniwala. It was a dream,” masaya niyang pahayag. Proud ding sinabi ni Gabby Conception na naniniwala siyang powerful pa rin ang tandem nila ni Sharon.

Kaugnay nito, nag-post si Sharon sa social media na nagsasabing, “We just picked up from where we left off!” Hiling ng Megastar sa Diyos na basbasan ang kanilang renewed na pagkakaibigan at nawa’y matutunan pa nila ang ganap na pagpapatawad sa isa’t isa. At sa pagtatapos ng kaniyang post, sinabi ng Megastar na ang muling ugnayan nila ni Gabby Conception ang maituturing niyang pinakamagandang regaling bigay ng Diyos. Ito ay dahil sa pareho silang napasaya ng muling pagsasama sa proyekto. Maging si KC ay lubos na natuwa rito.

Tunay ngang naging malaking bagay umano ang reunion project ni Gabby kay Shawie sa anak nila. Ayon sa mga ulat, bumalik ang dating masayang relasyon ni Gabby Conception bilang ama kay KC. Masaya rin si Gabby Conception dahil sa renewed friendship nila ng dating asawa. Nauna nang magpahayag ng kasiyahan si Sharon sa muling pagsasama nila ng ex-husband na nauwi sa muling pagkakaibigan.

Sa kasalukuyan, nakaabang ang mga tagahanga ni Gabby sa kaniyang mga susunod na proyekto. Panibagong teleserye man ito o pelikula, tiyak na tatangkilikin ito. Napatunayan na niya ito sa nag-viral na TV ad at highly-rated serye na kaniyang pinagbidahan. Tunay ngang si Gabby Concepcion ay walang kupas—ang hearltthrob natin mula noon hanggang ngayon.