Aljur Abrenica Bilang Ama at Kapareha sa Buhay

Isa si Aljur Abrenica sa mga in-demand na artista ngayon. Una siyang nakilala bilang isang Kapuso (GMA-7) star at produkto ng star-search reality show, StarStruck ng nasabing TV network. Noong nakaraang taon, ginulat niya ang marami nang siya ay lumipat sa Kapamilya (ABS-CBN) network kung saan, siya ay nananatiling contract artist. Bukod sa pagiging aktor, kilala rin si Aljur Abrenica bilang isang magaling na singer, model at dancer.

Minana ni Aljur Abrenica ang kaniyang talent sa pag-awit sa kaniyang mga magulang. Ang kaniyang amang si Alfonso Abrenica ay isa musician. Ang kaniya namang inang si Amor Guiang ay dating miyembro ng isang banda. Ang mga detalyeng ito tungkol sa 28-anyos na actor ay siguradong alam na ng kaniyang mga tagahanga. Ngunit siguradong marami pa ring gustong malaman ang nakarami sa pinagmulan ni Aljur Abrenica. Maging ang kaniyang mga pinagdaanan bilang artista, personal na buhay at higit sa lahat, lovelive, ay tiyak na marami ang interesadong makaalam.

Paano nga ba nag-umpisa sa showbiz si Abrenica?

Ngayong 2018 ang ika-12 taon ni Abrenica sa show business. Siya ay nagsimula sa star-search reality show, Star Struck noong 2006. Siya rin ang hinirang na ‘Ultimate Hunk’ ng nasabing palabas. Zoilo: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel, at Luna Mystica ang ilan sa mga unang proyekto kung saan tumatak ang pangalang Aljur Abrenica.

Masasabing naging matagumpay ang mga naging unang projects ni Abrenica. Ito ay dahil nasundan pa ang mga ito ng mas magaganda pang pelikula at teleserye. Ilan na rito ang Dapat Ka Bang Mahalin, All My Life at The Last Prince. Bagama’t naging sunod-sunod ang kaniyang proyekto sa Kapuso Network, nagdesisyon pa ring lisanin ng StarStruk alumnus ang dati niyang mother studio. Taong 2017 nang opisyal nang pumirma si Abrenica bilang bahagi ng Star Circle artists ng ABS-CBN.

ABS-CBN bilang bago niyang tahanan

Makalipas ang mahigit isang dekada bilang isang GMA Artist, lumipat na nga si Abrenica ng TV network. Ngayon, ang ABS-CBN na ang kaniyang bagong tahanan. Sa isang online article, inamin ni Aljur Abrenica na matagal na niyang pinangarap na maging isang Kapamilya star. Aniya, “Matagal ko ring gustong makalipat sa ABS-CBN. Isa pa sa mga na-appreciate ko is seryoso sila sa story, sa storyline, at sa quality ng projects.”

Dagdag pa niya, masayang-masaya siya sa pagkakalipat ng TV network lalo na’t napaka-welcoming at warm ng mga bago niyang kapamilya sa bago niyang tahanan. Isa sa mga unang appearances ni Aljur Abrenica sa ABS-CBN ay ang pagganap niya bilang kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Sa kasalukuyan, isa siya sa mga bida ng panghapong seryeng, Asintado.

aljur abrenica

Si Abrenica bilang Ama

Marami ang nagsasabing 2018 ang taon ni Aljur Abrenica matapos itong mabigyan ng pagkakataong bumida sa Asintado. Ito ang kauna-unahang serye na kaniyang pinagbidahan bilang isang Kapamilya. Ngunit higit sa maraming malalaking proyekto, ang kaniyang pagiging ama ang itinuturing niyang luck niya ngayong taon.

Sinabi ni Aljur Abrenica nang siya ay kapayanamin sa isang press conference, ang kaniyang pagiging ama sa anak nila ng aktres na si Kylie Padilla ang siyang naging inspirasyon niya para magtrabaho ng mas mabuti. Ang kaniyang pagiging daddy ang nagbigay sa kaniya ng bagong pananaw sa buhay. Ngayon, mas maingat na siya sa pagdedesisyon kung paano mas mapapabuti pa ang saril Ang kaniyang anak din ang nag

Pagsubok sa buhay pag-ibig

Naging usap-usapan at kontrobersiyal ang relasyong Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Taong 2011 nang aminin ng dalawa na sila ay exclusively dating. Ngunit hindi naman nila kinompirma ang estado ng kanilang relasyon. Taong 2013 nang naiulat ang kumpirmasyong sinagot na nga ni Kylie si Aljur Abrenica. Ayon sa isang interview sa aktres, “Naramdaman naming na panahon na para maging open (sa kanilang relasyon),”

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng dalawa sa kanilang relasyon. Pagkatapos nilang umamin, may mga naglabasan namang mga balitang nagkaka-problema sila. May mga kapwa-artista silang nadawit bilang third party. Ito ang naging sanhi ng pag-amin ni Kylie noong taong 2014 na sila ay hiwalay na ni Aljur Abrenica. Kasunod din ng pag-aming iyon ang pagkaka-link ng aktres kay Matt Henares, isang chef at anak ni Ronnie Henares.

Matapos ang dalawang taong pagkakahiwalay, muling nagkabalikan sina Aljur at Kylie. Umamin ang dalawa kasunod ng mga posts nila sa social media ng kanilang mga out-of-the-country trips nang magkasama. Bagama’t nanatiling matatag sa kanilang relasyon, hindi kaila sa dalawa na mahirap ang kanilang pinagdaanan. Aminado rin silang maging ang kasalukuyan at hinaharap ay mas challenging pa lalo na’t sila ay mga magulang na.

Isa sa pinakamahirap na pinagdaanan ni Aljur Abrenica sa pakikipaglaban ng kaniyang kay Kylie ang hindi ganap na pag-ayon ni Robin sa kanilang relasyon. Sa katunayan, sabi niya, “Hindi ako masyadong excited,” nang tanungin ang actor tungkol sa kaniyang naging reaksiyon nang unang malamang buntis ang kaniyang anak. Dagdag pa niya, siya ay masasabik lang siguro kapag nakapanganak na si Kylie.

Aminado si Robin na kahit pa nasa tamang edad na ang kaniyang anak, siya ay hindi sha naging handa sa pagbubuntis nito. Bukod sa pag-aalala posibleng hirap ng pagbubuntis ng anak, ang estado ng relasyon ng anak kay Aljur Abrenica ang isa pang ipinag-aalala ng actor. Hangad ni Robin na pakasalan ni Aljur Abrenica ang kaniyang anak. Ang kaniyang lantarang pahayag ay naging usap-usapan na naging sanhi ng umano’y gap nila ni Aljur Abrenica.

Dahil sa wala pa umanong planong pakasalan ni Aljur si Kylie, talang tumutol si Robin sa binate bilang karelasyon ng kaniyang anak. Subalit bago pa man ang pahayag na ito, tila ang ama ng dalaga ang ayaw ipakasal ang anak kay Aljur. Nauna nang i-post ni ni Aljur Abrenica nang magkasunod na beses sa kaniyang social media account na sila ang na-engaged ng dalawang beses ni Kylie—isa sa Japan at isa sa Pilipinas. Sumunod sa announcement ng engagement ni Aljur Abrenica, ay ang deklarasyon niyang nagdadalantao na ang kaniyang kasintahan.

At sa kabila ng pag-amin at umano’y ilang beses na pagtatangkang pakikipag-ayos kay Robin, hindi nagtagumpay si Aljur Abrenica at nanatiling may lamat are relasyon sa ama ng fiancee. Ngunit nitong Pebrero lang, natuwa ang mga tagahanga nina Aljur, Kylie at Robin nang naayos nang tatlo ang kaning problema. Masayang ipinost ni Robing ang selfie picture niya kasama si Aljur Abrenica at ang anak na si Kylie. Sabi niya sa kaniyang post “Purihin ang Panginoon! Isa sa mga dasal ay nagkaroon ng kasagutan.”

Kaugnay ng nasabing pag-aayos, makikitang ang selfie picture na ito ay kinunan sa kaparehong okasyon kung saan, ang pamilya Padilla at Abrenica ay nagsama sa isang salo-salo. Ang mga tagpong ito ay nagbunga ng mga tanong kung kasalan na ba ang pinag-usapan sa nasabing pagdiriwang. May mga spekulasyon ding ito ay pamanhikan at pinlano na umano ang kasal nina Aljur at Kylie sa Hulyo ngayong taon.

Leksiyon sa buhay

Inamin ni Aljur Abrenica na ang pagkakaroon nila ng hindi pagkakaintindihan ni Robin ay hindi lamang puro negatibo ang naidulot. Sa katunayan, aniya, marami siyang leksiyon na natutunan sa buhay mula rito. Sa panayam sa kaniya nitong nakaraan sa Magandang Buhay, hindi niya itinangging napanood niya ang mga naging pahayag ni Robin hinggil sa mga dapat nilang gawin ni Kylie bilang bilang mga mgagulang.

Dagdag niya, sumasang-ayon siya at naiintindihan niya ang mga saloobin ni Robin tungkol sa mga gusto niyang mangyari sa sa apo. Sabi pa niya sa nabanggit na programa, “Napag-usapan namin iyan ng tatay ko at ang sabi niya, tama nga ang sinabi ni Tito Robin.” Nais din daw ng Asintado lead star, bilang isang ama na kung ano ang nakikita ni Robin sa kanilang anak, ay siya ring nais niya.

Abala man sa trabaho, masayang ibinahagi ni Aljur Abrenica na siya ay isang hands-on father. Siya rin ay very supportive partner kay Kylie lalo na noong oras na ipinanganganak si Baby Alas. Ibinahagi ng bagong Kapamilya star na hati ang puso niya noong araw na nanganak si Kylie. Habang idinaraos ang press conference para sa noo’y ipapalabas pa lamang na Asintado, nagle-labor naman ang kaniyang kapareha.

Para makasigurong may aalalay sa fiancée, ipinisama ni Aljur Abrenica ang kaniyang nanay, kapatid at iba pang taong puwede niyang mapakiusapan para alalayan si Kylie habang nanganganak. Ang totoo nito, aniya, “hati po talaga ang puso ko noon kung saan ako pupunta.” Ngunit si Kaylie, aniya ang nagkumbinse sa kaniyang piliin ang trabaho kaysa samahan siya. Proud niyang ibinahagi ang sinabi sa kaniya ni Kylie na “iyung proseso raw ng pagbubuntis niya, sinamahan ko siya at ito na ang panibagong tsansa para sa akin at ng magiging future ng anak namin.”

Maging sa kaniyang sariling ama, inamin ni Aljur Abrenica na may natutunan din siya. Dito, inamn niyang madalas silang mag-clash ng ama noon. Paliwanag niya, “Kasi kadalasan hindi ko siya maintindihan noon eh. Pero kapag nagkaanak ka na pala, lahat ng pinanggagalingan ng tatay, kahit pa pagbali-baligtarin mo, makakabuti pa rin pala talaga sa’yo.” Dito rin niya nar-ealize, at proudly, inamin niyang role model niya ang kaniyang tatay sa pagiging ama.

aljur abrenica father

Hands-on father

Hindi katulad ng ilang mga sikat na artistang walang panahon sa anak dahil sa kabilaang showbiz commitment, sinisiguro ni Aljur Abrenica, maging ng kaniyang kapareha na hindi sila nalalayo ng matagal sa kanilang baby lalo na’t siya ay hands-on father. Sa katunayan, isinasama ni Aljur sa Baby Alas sa kaniyang tapings at inaalagan ang sanggol in-between breaks. Ilang mga Instagram photos ang nakapagpatunay ng kaniyang pagiging involved sa pag-aalaga sa anak.

May ilang mga ipinapakita kung paano pinaarawan ng actor ang kanilag anak sa umaga. Makikita talaga kung gaano ka-proud si Aljur Abrenica sa kaniyang anak. Bawa’t galaw nito at ay kinukunan niya ng letrato at ipino-post sa social media.

Katulad ng nabangit, bagama’t abala, masaya ring ibinahagi ni Aljur Abrenica na sinisigurado nila ni Kylie na gampanan pa rin ang gawaing bagay na nakatoka sa kanila. Sa kanilang household, inamin ni Aljur Abrenica na uso pa rin ang “division of labor”. Ito ay dahil wala naman silang kasambahay o sino mang makakatulong sa kanila para gawin ang mga chores kundi silang dalawa lang talaga.

Hindi sa nangunguripot o nagmamaselan. Ikinuwento ni Aljur Abrenica na nais muna nilang maisaulo lahat ng household chores, paglalaba, paglilinis at pagluluto, among others, na silang dalawa lang. Dagdag pa niya, ngayong nag-uumpisa pa lang sila, ayaw muna nilang may ibang tao na kasama sa bahay upang makapag-focus sila sa pag-aalaga kay Baby Alas.

Ilan sa mga ibinahagi ni Aljur Abrenica na trabahong-bahay na nakatoka sa kaniya ay ang pagtatapon ng basura at pag-aalaga sa bata habang nagpapahinga si Kylie. At kapag naman siya ay may trabaho at naiiwan kay Kylie ang kanilang baby, hindi nag-aalala ang actor. Aniya, nariyan si Mariel (Rodriguez, asawa ni Robin) at ang kaniyang ina upang alalayan ang kapareha.

Kahit na unti-unti na siyang nasasanay at nagtutulungan sila ni Kylie, ibiahagi ni Aljur Abrenica na may mga mahihirap na sitwasyon ang pagiging ama niya. Isa na rito ang hirap sa pagpapatahan ng bata sa tuwing umiiyak ito ng malakas. Ito na marahil ang pinakamahirap para sa kaniya lalo na kung nasa teething period ang bata.

Tila isang eksperto, ibinahagi ni Aljur Abrenica na kapag tinutubuan ng ngipin ang bata, kahit pa anong pag-aalo ang gawin para bigyan siya ng comfort, iiyak lang ito ng iiyak. At sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdadaanan niya bilang ama, ikinuwento ng actor na marami siyang nadiskubreng mga bagong skills sa sarili mula ng dumating ang kaniyang anak.

Nito na lamang niya nalamang magaling na pala siya talagang mag-alaga at humawak o kumarga ng bata. Noon kasi, aniya, “hindi siya humahawak ng sanggol sa takot na mapagalitan. Maging ang pagpapatawa ng bata ay naging natural na rin sa StraStruck graduate na ito.

Supportive at mapagmahal na kapareha kay Kylie

Ngunit kahit na pareho silang hands-on parents at ang focus lang nila ay ang pag-aalaga kay Baby Alas, sinisiguro ni Aljur Abrenica na may oras pa rin siya para kay Kylie. Hangga’t maaari, sabi niya sa isang panayam, kailangang maging sensitive siya sa lahat ng oras lalo na’t hindi naman nagsasabi o nagrereklamo ang kaniyang fiancée kahit pa siya ay pagod.

Simple ngunit makabuluhan at makahulugan ang pagpapakita at pagpaparamdam ni Aljur Abrenica ng pagmamahal kay Kylie. Kapag nakikita at ramdam na niyang pagod na ang kapareha sa mga household chores at pag-aalaga sa anak, inaaya niya ito for quick dates. O kaya naman, may pag-iiwanan din lang kahit sandal sa kay Baby Alas (tulad ng kaniyang kapatid), inaaya niya sa labas si Kylie kahit mga 20 minuto lamang na silang dalawa lang.

Ang mga ito ay maituturing na simple gestures of love. Ngunit para kay Aljur Abrenica malaking bagay ito sa pagpapabuti hindi lamang ng kaniyang pagiging ama, relasyon kay Kylie at sa pamilya nito. Maging sa kaniyang sarili ay mayroon din siyang napatutunayan.